lahat na dito may katumbas dapat na golds.. nakakalungkot naman. dati yung ginagawa ko ni 1g hindi ako naghintay ng kapalit. ginawa ko kasi gusto ko. ginawa ko kasi kaibigan ko sila.
masakit lang sa akin ngayon, dahil kahit 1g hindi ako makapag donate.. pano nga naman ako makakapag donate? ni hindi ko naman nagawang magipon dito sa gaia.. paano naman ako makakapagipon?..
bumalik ako kasi may nagawa akong kasalanan, kahit hindi naman talaga kasalanan..iniisip ko kasalanan ko. kasi nasa puso ko na rin yung pagtulong.. pero mukha namang hindi na kailangan. nalungkot lang ako sa sagot mo.
paranoid tuloy ako, hindi kaya nasa isip mo na gold digger ako kaya gusto kong tumulong, pero ni 1g nga hindi ako humingi, ni 1g nga hindi ako nag hintay ng bayad noon.. kasi gusto ko yun..kasi ganun ako, hindi binabayaran ang friendship ko.
OLIVER XY · Mon Jan 23, 2012 @ 02:37pm · 0 Comments |