Di ako maarte pagdating sa mga keso. Di rin metikulosa. Wala din naman akong gaanong alam sa keso; kung sino, kalian at saan ito naimbento, mga sangkap nito (maliban sa gatas), at ang kumpletong proseso sa pag gawa nito. ‘E ikaw? Cheese enthusiast ka ba? Ngayon mo lang din siguro narinig ang existence (isa pang nakakadugong isalin sa Filipino!) ng kesong Zanetti Parmigiano Reggiano. Maging ako ‘e mahigit 1 minuto ko pa lang nalaman na may ganyang keso! Maraming salamat sa google at nadagdagan ang aking kaalaman.
Hayaang uminit ang malamig na keso sa loob ng isang oras bago kainin upang pabutihin ang lasa at amoy ng nito (galing sa cheese.com – isinalin ko sa Filipino ang isang katotohanan hinggil sa mga keso). Ewan ko ba pero may isang brand lang talaga ng keso ang swak sa panlasa ko.
Daga – pwede na siguro akong maikumpara sa mga daga dahil sa kanilang anecdotal attribute (baka matuyo pa ang utak bago ko pa man maisalin sa Filipino ang mga salitang yun!) na pagkahilig sa keso. Mahilig ako sa keso. Ihinahalo ko ‘to sa mga niluluto ko! Sumasarap talaga ang pagkain. Mahilig din akong pumapak ng keso. Ginagawa ko na ring past time ang pag ngatngat nito.
May nakasama ako dati sa grocery. Napadaan kami sa freezer kung saan maraming keso. “Ang sarap talaga ng mozzarella cheese.” ang sabi nya na may kayabangan sa kanyang tono. Marami pa syang sinabi tungkol sa mozzarella na akala mo kung sino. Sarap sanang tanungin kung sino ang may gawa at saang bansa ito nanggaling ang mozzarella cheese. Supalpal! Ewan ko lang kung masagot nya ng hindi nag reresearch! Nayabangan na talag ako sakanya nung mga oras na yon, ‘di kasi yun ang unang beses na nagyabang sya tungkol sa mozzarella. Bukambibig nya din ‘to nang minsang napasok sa usapan naming ang pizza. Masarap daw talaga ang mozzarella cheese. Nakakarindi na rin talagang pakinggan sa tuwing lumalabas sa bibig nya ang salitang mozzarella. Kung maaari lang ‘e may remote ako para sa bunganga nya at imumute ko sya. Niahahahaha!
Ngayon ay hinahamon kitang papakin ang mozzarella, fontina, Roquefort, bleu, cream, parmesan, at ilang libo pang klase ng keso mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Magpakasasa ka sa mga keso. Basta ang alam ko ay masaya na ako sa simpleng keso kong nasa karton. Yung kesong wala sa fridge ng grocery stores kundi nasa simpleng estante lang katabi ng iba pang mga kesong gaya nya – ang Buttermilk cheese.
heart